I super envy sa mga kids ngayon that as young as 6 u can hear from their mouth that they are trying to earn to treat their selves with something that they really want. Yung tipong hindi nila ipapabili sa parents nila? Wala lng na aa'maze lng ako.
Ngayon palang ako actually natututo about finances, about cash flow, savings, budget, at pati sa pag-invest. Kung natuto lang sana ako nung bata pa ako edi milyonaryo na sana ako ngayon (sayang naman!). Hindi man ako natuto noon sa tingin ko naman ay hindi pa huli ang lahat. Napaisip tuloy ako, kapag may anak na ako tuturuan ko talaga sila about finances.
Ito malamang ang iilan sa aming mga lessons:
Savings – Nung bata ako na aawa ako sa mga classmates at kalaro ko kapag sinasabi nila na hindi daw nila nahawakan ang kanilang mga “pamasko” dahil kinuha ito ng parents nila para sa kanilang “savings account.”
Ngayon malaki na ako, sana meron din akong ganun (savings account) nung bata pa ako. Anung nangyari sa mga napamasko ko? Wala na! Na gastos ko na.
Sana bata palang ako sinabi na sa akin na importante ng savings. Kapag nagkaroon na ako ng mga anak isa ito sa lessons namin. Hindi naman siguro 100% ng kanilang income/allowance ang ilalagay sa savings account, may percentage dun magagamit din nila para naman maenjoy nila.
Budgeting – Dahil napag-uusapan na rin lang naman ang gastos maganda rin na ishare ko sa kanila ang importance ng budgeting. Sa totoo lang hindi mahirap magbudget at magkwenta ng pera, ang mahirap ay ang pagstick sa budget na ginawa mo.
Nasa stage palang ako na dinidisciplina ko sarili ko na gumastos based on my budget. So far nakikita ko ang benefits nito. At kapag sanay na ako pwede ko nang maituro ito sa mga anak ko with confidence.
“kaya mo yan anak, sa umpisa lang yan mahirap. *wink !”
Business – Na encourage naman ako nila mommy noon na magbusiness. Naalala ko ang una kong business ay magbenta ng white rabbit candies (yung pwedeng kainin ang balat). Ang bentahan: piso-tatlo. At dahil sanay ako sa piso-dalawa na bentahan at hindi pa ako marunong magmultiply ginamit ko nalang ang simple kong logic noon. Ang bentahan: basta may piso ka, 2 plus 1. So kung ang pera mo 5 pesos meron kang 10 plus one. Talinong bata. Pinalakpakan ko sarili ko. CLAP CLAP CLAP !!
Giving – Ito ang pinakaimportanteng lesson na maituturo ko sa kanila about finances. Higit pa sa savings, budgeting, at pagtayo nila ng sarili nilang business, masimportante para sa akin ang maintindihan nila ang value ng pagbibigay.
Ito ang mga rason kung bakit:
- Natututo tayong magtiwala sa Source ng ating mga blessings.
- We will not fall in the trap of worshipping mammon (the money god).
- Blessed tayo para maging blessing sa mga taong masnangangailangan.
- We are reminded that God Himself is a giver.
- Giving encourages other people to give. Nabubuo natin ang cycle of blessing.
Malamang madami pa akong ituturo, pero ito palang ang mga naiisip ko. MORE TO COME ! IISPIN KO MUNA ! LOL .
No comments:
Post a Comment